Monday, June 22, 2009

kung susuriin,lahat ng mga pangunahing produksyon ay bumalik at gumawa ng pelikula, may mga obra ang mga batikang direktor, at pinakilala ang mga gawa ng mga baguhang direktor, na maituturing na ring isang obra sa panahong ito, at kung tutuusin, unang taon pa lamang ito ng dekada 80, tunghayan aNG MGA REVIEW NG MGA PELIKULANG TINANGHAL SA GINTONG PANAHON NG PELIKULANG PILIPINO
DEKADA 80 binuksan ng regal films ni mother lily ang kamalayan ng mga batang artista sa pelikulang underage, tumabo sa takilya at naging malaking pangalan ang mga orihinal na regal babies, sinikap ng premiere pictures na mapanatiling pangunahing produksyon sa paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng gabi ng lagim ngayon, subalit nabigo ito, hindi kumita ang pelikula , taliwas ito sa pagbabalik ng lvn pictures sa pamamagitan ng kakabakaba ka ba, bagamat hindi rin kumita, itinuring ang pelikula bilang isang obra ni mike de leon, pinalabas ang aguila ni eddie romero, isa sa pinakamalaki at magastos na pelikula ng Bancom audiovision, sila din ang prodyuser ng palaban ni alma moreno, pag ibig na walang dangal, na hindi man lang tumatak sa mga manonood, at ang pinakamaganda sa lahat ang brutal, na nanalo ng halos lahat ng awards sa metro manla film festival, mula sa direksyon ni marilou diaz abaya, ang brutal ay kwento ng gamitan, ng karahasan ng pagiging babae sa lipunang pinaghaharian ng kalalakihan, sa taong ito ipinalabas din ang isa pang obra ni Ismael Bernal, ang city after dark, na bagamat kinatay katay ng sensor, matagumpay na naipalabas, pag hindi mo napanood ang pelikulang ito, hindi ka tunay na manilenyo, o hindi mo alam kung ano ang maynila, sa taong ito dalawang pelikula ni lino broka ang tinanghal sa mga sinehan, ang angela markado ni hilda koronel, na sa tingin ko ay lalo pang nagpalutang sa galing ni hilda bilang aktres, timpi, at hindi histerikal ang paraan ng pag arte ni hilda sa bawat katauhang ginagampanan niya, ang aral ng insiang ay dala dala ni hilda dito, ngayon bilang isang biktima ng gang rape na naglagay ng batas sa sariling mga kamay, hindi katakatakang paborito siya ni lino brocka...., at ang nakaw na pag ibig, ni nora aunor, philip salvador at muli hilda koronel, naiiba ang kwento,at walang duda magaling ang pelikula. Itinanghal din sa mga sinehan ang Uhaw na Dagat ni Celso ad castillo, malaking produksyon, magastos, ambisyosong pelikula ngunit hindi kumita, may kaunting gulo sa takbo ng istorya, subalit walang duda, magaling talaga si direk celso, isang bagong direktor ang isinilang, si Mario J. de los Reyes, itinanghal ng taong ito ang kanyang apat na maria, pagkatapos ng kanyang di malilimutang High school circa 65, at Gabun ama mo ama ko, na pawang matitino at nakatanggap ng mga papuri, sa taong ito ipinakilala din si edu manzano sa pelikulang Alaga ni christian Espirito, unang pelikula maiintindihan mo, ngunit itinuturing ko itong isa sa mga basurang pelikula ng taon, magaling si lairice guillen sa kanyang unang pagtatangka bilang direktor, malinis, maayos at maganda ang pagkakagawa ng pelikulang kasal, babae si laurice, kayat maiintindihan mo kung bakit masyadong feminist ang kanyang tirada, subalit hindi sing ganda ang kanyang pangalawang pelikula, ang Kung akoy Iiwan mo, ni Nora Aunor na lahok pa naman noon sa festival, gumawa din ng pelikula si Mario O hara, isa sa pinakamagaling na direktor ng kanyang panahon, maihahanay mo sa mga maestrong tulad nila mike de leon, bernal, broka, avellana, de leon, sinong makakalimot sa kanyang obrang tatlong taong walang diyos? sa taong ito ginawa nyang dramatik aktor si Lito Lapid, na sikat na sikat sa mga action films, sa pelikulang kastilyong buhangin kasama si Nora Aunor, nakapagtataka bang pwede palang maging seryosong aktor si lapid.


















kung susuriin, lahat ng malalaking produksyon, aktibo at hindi ay may kanya kanyang pelikulang itinanghal sa mga sinehan, lahat ng magagaling na direktor ay may handog na obra, kokonti ang basurang pelikula, lahat maipagmamalaki, at simula pa lang ng unang taon ng dekada 80
mabuhay pilipinas! balikan at pag usapan, suriin, himayin, magbalangkas at sulatin! sariwaing muli ang mga natatanging obrang gawa ng ng mga batikan, bago at mapangahas na direktor ng kanya kanyang panahon! umasa at sikaping buhayin ang pansamantalang pagkakaidlip ng industriya ng sining ng pelikula. Ilalahad ko dito ang mga sariling pagsusuri sa mga pelikula ng aking panahon, gintong panahon ng pamamayagpag ng pelikulang plipino, at nawa ay makarinig, makatanggap ako ng mga opinyon, makakita ng dahilan, at magkaroon ng pagkakataon upang sa mga kinauukulan, silang may pagmamahal sa sining ay isaisip, isapuso at isagawa ang pagbabalik sigla at muli madarama natin, nasa gintong panahon na naman ang sining ng industriya ng pelikulang pilipino.